Octoberian (Part 2)

  1. Nalaman kong extended ang Application for Graduation hanggang February 15, 2012. Naligalig ako, pero totoong may kapalit na kalechehan pag ang tao’y masaya. Hanggang bukas nalang ‘yung Completion for Deficiencies for Graduating Students at ‘yung prof ko sa thesis eh kung hindi pa tinawagan hindi magpaparamdam. Kanina lang kami nakapagpasa at sa Martes pa niya mababasa. Ang sarap umiyak, magwala at magmura. Matatanggap ko kung urauradang bukas na agad ‘yung defense kahit walang preparations na bongga makapagdefense lang. Eh lecheng buhay kolehiyo isama mo pa ang hirap ng buhay sa State University. Umaygash talaga! 
  2. Wala pa ‘kong OJT. Limpak-limpak nang TV Stations ang inapplyan namin ni Tish mula December. Oo, December pa kami nagpasa at hindi October nang pagpasok ng 2nd Sem dahil hinintay naming maasikaso ng tropa namin ‘yung deficiencies niya para sabay-sabay kaming magaapply. Sweet no? Pero napabayaan na niya at masakit mang aminin na na-compromised ‘yung chance namin ni Tish. Hindi naman kasalanan nung tropa namin pero sayang rin ‘yung mga oras at araw na nakatengga kami sa wala. 

— Tanggap na ni Mama at Papa na ‘yung problema na ‘to, “Okay lang ‘yan anak. Basta makapagtapos ka, kahit anong petsa pa. Wag ka lang muna magaasawa.” Anak ng towa na sinabawan ng toyo’t suka na may sibuyas at bawang! Kinabahan ako, nachallenged ako. Lalong nataranta na makagraduate on time. Hindi ko alam kung nananaginip ako nung sinabi nila ‘yan pero kabaliktaran ang naramdaman ko. Nalungkot ako na baka mag-extend ako ng dahil lang sa Thesis at OJT. FML.

Anak ng tipaklong naman oh!

Problema. Haneeeeep. Hinay-hinay lang. ‘di ko kayo kaya lahat.

  1. Yung bunsong kapatid ko, bumalik yung Typhoid Fever at kailangang i-confine. Teng-ene. Hindi na alam ng Mama ko ‘yung gagawin sa bahay sa daming naiwan sa kanyang responsibilidad sa mga tao dun na hindi nakakaramdam na pagod na ‘yung Mama ko. 
  2. Yung magaling kong boyfriend, nahuli ko na namang nagsisinuingaling. Simpleng bagay hindi pa nagbakasakaling umamin. Hinintay pang mabuking ko na naman. Sarap lang mag-tumbling sa bwisit.
  3. Yung kaibigan ko, hindi ko alam kung ayos na kami o ano. Wala naman akong intesnyong makipag-away. Umamin lang naman ako sa mga sama ng loob ko. Hindi naman ako kasing bitch ni Ano para mamlastik. Gusto ko lang namang malaman niya yung hinaing ko at marinig yung panig niya. Tapos noon, ayos na sakin. Ewan ko lang sa kanya. Namimiss ko na siya.
  4. Yung Papa ko, adik sa Facebook. Isa pa ‘to eh, ansakit sa bangs. Sa tuwing uuwi ako, yung agad aatupagin. Eh wala namang ginawa kundi delete-add-delete-add yung halimaw niyang girlfriend na akala mo kung sino. Lessheee!
  5. Thesis. Kanina, ipinasa ko yung proposal namin. Balik nalang daw ako sa Miyerkules ulit para makuha yung madugong revisions niya. Tapos na ‘ko sa OJT ko na apat na dos lang ang nakuha ko at sandamakmak na tres. Ngayon, paduguan naman ng utak sa Thesis dahil huling linggo ng Agosto ang pre-orals. 

FML.