Matthew 21:2
“And Jesus entered the temple and drove out all those who were buying and selling in the temple, and overturned the tables of the money changers and the seats of those who were selling doves.” (New American Standard Bible (©1995))
Tuwing Biyernes, nagsisimba ‘ko sa Basilica Minore ng Quiapo dahil parehong deboto ‘yung mga magulang ko. Nakaugalian ko nang magsimba kasama si Edwin. At may isang bagay lang talaga ‘kong kinaiinisan— ‘YUNG MGA BATANG NANLILIMAHID NA BIGLA NALANG PUMAPASOK SA LOOB NG SIMBAHAN PARA SABITAN KA NG SCAPULAR TAPOS PIPILITIN KANG BUMILI AT PAG DI KA BUMILI, SILA PA ‘YUNG GALIT.
‘Yung Matthew 21:2 agad ‘yung naiisip ko pag nangyayari ‘yun. Kalagitnaan ng misa sila papasok at tsetsempuhang nakahalukipkip ka para *boom* easy victim ka na. Hindi ko alam kung may punto ako, pero ang alam ko talaga bawal magtinda sa loob ng simbahan sa ganoong paraan maliban nalang kung dadaan sa admin ng simbahan. Nakakatrauma tuloy lalo na’t pagtitinginan ka ng mga tao pag nakikipagbalyahan na ‘yung bata. Hindi naman ako pumapatol eeh, sila lang ‘yung mapilit. Kelan kaya ako makakapagsimba ng matiwasay sa loob ng Quiapo Church.
